August 21st, 2006
minsan lng to
minsan lang ako magsabi nito
pero sobra na
kung gusto nila kaming patayin
sabihin nila
wag na nilang ibahin ang tawag
homework, projects, exams
training daw
o PARUSA
4th year na kami
and we deserve FREEDOM
pasabugin ang eskwela
at matulog ng maaga
nang walang inaalala
seewhy_jonjon the great at 08:46 PM |
August 17th, 2006
haha... kulet basahin
kulet... ganun pla dati... hehehe...
--Nung ikaw ay bata... nagawa mo ba to?--
*kumakain ka ba ng aratilis?
*nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy
bubbles na hihipan mo sa binilog na tanggkay
ng walis tingting?
*pinipilit ka ba matulog ng nanay mo pag hapon at
di ka papayagan maglaro pag di ka natulog?
*marunong ka magpatintero, saksak puso,
langit-lupa, teleber-teleber, luksong tinik?
*malupit ka pag meron kang atari, family computer
or nes?
*alam mo ang silbi ng up, up, down, down, left,
right, left, right, a, b, a, b, start?
*may mga damit ka na U.S.E.D., Boy London,
Cross Colors, Esprit, Blowing Bubbles at
pag nakakakita ka ng Bench na damit eh naalala
mo si Richard Gomez?
*addict ka sa rainbow brite, carebears, my little
pony, thundercats, bioman, voltes v, mazinger z, daimos, he-man at
marami pang cartoons na hindi pa
translated sa tagalog?
*nanonood ka ng shaider kasi nabobosohan mo si
annie at type na type mo ang puting panty nya?
*marunong ka mag wordstar at nakahawak ka na
talaga ng 5.25 na floppy disk?
*nung high school ka inaabangan mo lagi beverly
hills 90210?
*gumagamit ka ng AQUANET para pataasin ang
bangs mo?
*meron kang blouse na may padding kung babae
ka at meron kang sapatos na mighty kid kung
lalake ka?
*nangongolekta ka ng paper stationaries at
mahilig ka magpapirma sa slumbook mo para lang
malaman mo kung sino ang crush ng type mo?
*kilala mo si manang bola at ang sitsiritsit
girls?e si luning-ning at luging-ging?
*alam mo ibig sabihin ng time space warp at di mo
makakalimutan ang time space warp chant?
*idol mo si McGyver at nanonood kang perfect
strangers?
*eto malupet... six digits! lang ba ang phone
number nyo dati?
*nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3
bentesingko lang ang dala?
*cute pa si aiza seguerra sa eat bulaga at alam mo
ang song na "eh kasi bata"?
*inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh
nasa glass bottle pa na ginagawang lalagyan
ng tubig ng nanay mo sa ref?
*meron kang pencil case na maraming
compartments na pinagyayabang mo sa mga
kaklase mo?
*noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun
Factory?
*alam mo lyrics ng "tinapang bangus" at
"alagang-alaga namin si puti"?
*alam mo ang kantang "gloria labandera"..
lumusong sha sa tubig ang paa ay nabasa
at ang "1, 2, 3, asawa ni marie"... hehehehehe?
*sosyal ka pag may play-doh ka at Lego... at
nag-iipon ka ng G.I. Joe action figures at iba pa
ang mukha ni barbie noon?
*inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at
yung diyes na square?
*lumaki kang bobo dahil ang akala mo nangangagat
talaga ang alimango sa kantang tong-tong-tong...
diba naninipit yun?
*alam mo yung kwento ng pari na binigyan ng pera
yung batang umakyat ng puno para bumili ng
panty... and shempre, alam mo rin ba kung ano
binigay nya sa nanay nung umakyat ng puno?
*meron kang kabisadong kanta ni andrew e na
alam mo hanggang ngayon.. aminin?
*laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag
pinapawisan ka?
*bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubble
gum... tira-tira, at yung kending bilog na
sinawsaw sa asukal?
*kinukupit mo pa at nanonood ka ng mga porno
tapes ng tatay mo na nasa BETAMAX format pa...
at sanay ka tawagin ang porno as BOLD?
*takot ka dumating ang year 2000 dahil sabi nla
magugunaw daw ang mundo?
NAAALALA MO RIN PA BA ANG PANAHON NA... .
1. Pogi ka kung kasama sa porma mo ang Haruta,Sperry Topsiders, K-Swiss,
Espadrilles (na pinilahan mo pa sa Whistle Stop o sa Cash and Carry),
Tretorn or Dragonfly sneakers, white Spartan sneakers, argyle socks, woven
leather belts, Chaser, Lacoste, Ralph Lauren at iba pa, one-size-fits-all
Hanes T-shirt with the print of your favorite New Wave band, pabangong
Chaps, Bowling Green, Gray Flannel or Kouros, Denman brushes, Dippity Do or
Dep hair gel, Bermuda shorts worn with plaid long-sleeves.
2. Macho ka kung ang porma mo ay parang kay Don Johnson ng Miami Vice at
kung naglalaro ka ng football o nag-aaral ka ng tae kwon do or marunong mag
butterfly kick tulad ni Ralph Macchio sa Karate Kid. Sobrang macho ka kung
may pandesal ka sa tiyan habang nakasuot ng hanging shirt. In ka rin kung
meron kang baston na pantalon na merong zipper sa gilid, meron kang longback
na t-shirt at nakapagsuot ka rin ng baggypants.
3. Pretty ka kung meron kang pencil-cut skirt (calf-length, three to four
inches above the ankle), pabangong Nenuco o De Ne Nes, permed hair a la
Madonna or teased bangs na pinatigas ng Aquanet, shoulder pads ala Joan
Collin a.k.a. Alexis Carrington in Dynasty), Benetton shirt, Esprit outfit
at namimili ka ng gamit sa Sari-Sari, Tokyo Hannah,Tickles and Regina's in
Shoppesville. Cute ka rin pag me suot suot kang maiksing medyas na me bilog
na nakalawit sa likod (iba't ibang kulay pa nga 'yun eh).
4. In na in ka kung napuntahan mo ang mga concerts nina Mike Francis, Swing
Out Sisters, Menudo, Earth, Wind and Fire, James Ingram, Genesis noong unang
punta pa lang nila dito sa Pilipinas.
5. Sosyal ka kung malimit ka sa Jazz Rhythm & Booze at kumakain ka sa Cafe
Ysabel, Bistro Burgos, Dean Street Cafe, Angelino's and East St. Lois, Cosmo
and Kudo's at nag-babakasyon ka sa Matabungkay Beach Club o Baguio Country
Club.
6. Wala pang videoke kundi karaoke, minus one, multiplex
7. Ang preso lang may tattoo.
8. Akala mo'y magkakatuluyan sina Ate Shena at Kuya Bodjie.
9. Ang intindi mo ng LOL ay ULOL imbes na Laughing Out Loud.
10. Na-tsismis na bulati ang beef patty ng Jollibee.
11. Kinilig ka nang malaman mong ikakasal si Pops at si Martin.
12. Piso lang ang isang basong taho at kailangan mong magdala ng sarili mong
baso kasi wala pang plastic cups no'n si manong magtataho.
13. Lechon Manok pa ang pinag lilihihan ng taumbayan.
14. Tarzan, Jojo, Bazooka Joe, Clover bits at Tootsie Roll ang
pinagkakagastusan mo ng mga beintesinko mo.
15. Nagkakakalyo ka dahil typewriter pa ang ginagamit mo para sa mga school
paper mo...kaya bentang-benta pa ang carbon paper at liquid paper.
16. Sa Ortigas Center ka tinuturuang magmaneho kasi puro talahib pa yon
no'n.
17. Cool ang bumati sa iyong crush sa FM radio.
18. May mascot pa ang 99.5 RT na binebenta sa Gift Gate.
19. Baduy pa noon si Lea Salonga dahil sa That's Entertainment.
20. Iniisip mong dapat mag-retire na si Jaworski dahil kuwarenta na siya.
21. Egoy na egoy pa si Michael Jackson.
22. Si Harry Gasser ang newscaster ng bayan.
23. Kay Amado Pineda ka lang naniniwala pag ukol sa panahon ang balita.
24. Sintonado pa ang Eraserheads habang nag-ja-jamming sa Club Dredd.
25. Tinuruan kang mag-toning ng iyong nanay dahil kay Johnny Midnite.
26. Naglalagay ka ng pyramid sa tabi ng iyong unan para good vibes.
27. Nilalagyan mo ng watch-guard ang iyong Swatch.
28. Herbert Bautista was a campus politician.
29. P18 to $1 ang palitan sa black market.
30. May black market pa noon.
31. Illegal pa ang mga paputok.
32. Ang paborito mong tsokolate ay Chocnut at Mallows.
33. Drag race sa Greenhills at Corinthians
34. Kumain sa Burger machine o sa Goodahhhh ng madaling araw.
35. Dalawang piso lang at Chippy at solong Coke.
KUNG ALAM MO LAHAT DITO LAGPAS KA NA
NG 25 YEARS OLD... KAPAG HALOS LAHAT
ALAM MO, NASA 23-25 KA...
WAG KA NA MAG DENY.. TUMAWA KA NA
LANG... DIBA .75CENTAVOS PA LANG
PAMASAHE SA JEEP NUN AT MAS MASARAP
ANG MELLOW YELLOW KESA MOUNTAIN DEW? HAHAHAHA
seewhy_jonjon the great at 10:07 PM |
August 12th, 2006
rotaryong jon
isang kasalanan ngaun araw ang paggicing ng 7:30 sapagkat na late ako ng punta sa skul para sa ginagawa naming stage para sa celebration ng BUWAN NG WIKA at nakarating ako ng 10:30 at gumawa ng letters gamit ang imbensyon ni sir VANGIE na styro cutter na kung ilang beses nang pinalitan ng guitar string no. 1 na binibili namin sa tims na un na nga aking ginawa bago dumating ang quarter to 1 pm na siyang oras para pumunta kami ni sir AGA para dun sa PATIMPALAK ng rotary club na dinaos para sa celebration ng kanilang foundation at kasabay na rin ang para sa buwan ng wikang siyang naging dahilan para sumali kami at magsulat ng isang mahabang sanaysay sa loob ng isang oras at magtalumpati sa susunod na saturday na sana suportahan ng aking mga kamag-aral dun sa quadrangle ng MUNISIPYO ng marikina at isa ang pagtatalumpati sa mga nagpapakaba sa aking ngaun para sa linggong darating na binawasan naman ng pagmove ng submission ng aming SB next week at ang pagpapahinga ko sa pamamagitan ng pakikipagkwentuhan sa mga nakasama ko sa contest at pagpunta sa party ni jeng (happy birthday!) kasabay ng mga kainan, kuwentuhan at kulitan sa ROOFTOP at ito na rin ang nagsara ng aking nakakapagod na araw.
seewhy_jonjon the great at 11:57 PM |
seewhy_jonjon the great at 11:45 PM |
August 6th, 2006
loko un ah.. sakit tuloy ng labi ko..
lumipas ang isang malupit na araw
isang araw ng pagsubok
pagsubok na siyang pumiga sa utak at nagwasak sa muka
nung umaga, gumicing at naghanda
pumunta sa UP, inubos ang buong umaga sa pagsagot sa mga tanong na maaaring magpabago sa takbo ng buhay..
umuwing mag-isa sa init ng katanghalian, tigang ang utak
niyaya ng kapatid na mag graffling kasama nia.
sparring sa isang lalaking ubod ng tangkad
ang resulta: nananakit na binti, baba, at panga at putok na labi..
umuwing pagod habang nagpapakabasa sa ulan
nais nang magpahinga, salamat at natapos na....
una sa Kanya...
at pati na rin sa lahat...
zzzzz.......
seewhy_jonjon the great at 08:49 PM |